ligaw na bulalakaw

Tuesday, December 13, 2005

walang regalo

naiintindihan na ni saerom. wala siyang regalo kanina sa christmas party kaya alam na niya kung anong pakiramdam ng kumilos at umasa, tapos mabibigo lang pala.
dalawang beses akong nagbigay ng regalo para sa kris kringle namin sa block. dalawang beses akong umasang may magbibigay din sa kin ng regalo. nakakatawa kasi nasaktan ako at talagang naapektuhan. buong araw tuloy akong depressed. haha. para kwarenta pesos lang nadepress na. ang babaw ko talaga.
pero hindi. hindi issue ng pera yun eh. issue yun ng pagtupad sa pinag-usapan. kung nung una pa lang alam mo nang wala kang kapasidad na tumupad, di wag ka na sumali. o kaya naman, kung di mo sinasadya makalimutan o kung anumang dahilan kung bakit wala kang regalo kahit alam mo, sabihin mo. ugali. masama talagang magpaasa ng tao. lalo na kung buong-buo yung tiwala nya sayo.
mababaw lang talaga ako, alam ko yun.
* ** ***
isa ako sa mga masugid na tagasubaybay ng mga palabas sa tv. wala. gusto ko lang manood at maaliw.
sa ngayon, ang pinanonood ko ay ang jewel in the palace. nakakapeste mukha ni choi. parang binabalutan ng itim na aura.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home