ligaw na bulalakaw

Wednesday, December 28, 2005

labo

hehe. nagbukas ako ng friendster account ko. unang-una, wala siyang kwenta kung ikukumpara mo sa ibang account. wala akong mga makinang na bagay na gawa sa html, css, atpb. konti lang friends ko. parang hindi pinag-isipan yung profile. konti yung pictures. hay. basta hindi siya interesante.
(kaya sa blog ako bumabawi.)
at dahil wala akong magawa sa friendster, nagbukas ako ng messages. haha. wala. hahahaha. wala talaga. napakaarte ko palang magsulat. exaggerated yung exclamation points. nakakadiri. hay.

* ** ***

pictures. sa. peyups. di. ko. maalala. kung. kelan.

basta.


mga litratong kinunan sa up granstan


Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com



mga litratong kinunan habang nagkaklase ng 181 (mga pasaway)


Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com

Tuesday, December 13, 2005

benta at bigay

maaga pa lang bumangon na ko para magawa ang presentation namin sa info tech. pinaghirapan ko talaga yun. kaya nakakaasar kasi ayaw masend ng mabilis sa email. nakakainis kaya. mahirap kayang gawin yun. nakakainis talaga.


* ** ***


natuwa ako kahapon, kasi sa wakas, meron na kong kopya ng the vampire lestat ni anne rice. hindi na ko magmumukhang engot na naiiyak sa tuwing nakakakita siya ng mga libro ni anne rice sa bookstore dahil wala siyang perang pambili.

walang regalo

naiintindihan na ni saerom. wala siyang regalo kanina sa christmas party kaya alam na niya kung anong pakiramdam ng kumilos at umasa, tapos mabibigo lang pala.
dalawang beses akong nagbigay ng regalo para sa kris kringle namin sa block. dalawang beses akong umasang may magbibigay din sa kin ng regalo. nakakatawa kasi nasaktan ako at talagang naapektuhan. buong araw tuloy akong depressed. haha. para kwarenta pesos lang nadepress na. ang babaw ko talaga.
pero hindi. hindi issue ng pera yun eh. issue yun ng pagtupad sa pinag-usapan. kung nung una pa lang alam mo nang wala kang kapasidad na tumupad, di wag ka na sumali. o kaya naman, kung di mo sinasadya makalimutan o kung anumang dahilan kung bakit wala kang regalo kahit alam mo, sabihin mo. ugali. masama talagang magpaasa ng tao. lalo na kung buong-buo yung tiwala nya sayo.
mababaw lang talaga ako, alam ko yun.
* ** ***
isa ako sa mga masugid na tagasubaybay ng mga palabas sa tv. wala. gusto ko lang manood at maaliw.
sa ngayon, ang pinanonood ko ay ang jewel in the palace. nakakapeste mukha ni choi. parang binabalutan ng itim na aura.